TUGUEGARAO CITY-Pinayuhan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga Barangay officials na gumawa ng alternatibong paraan sa pagsasagawa ng Barangay Assembly.

Ayon kay Ruperto Maribbay, provincial director ng DILG-Cagayan, mahirap ang magpatawag ng face to face assembly dahil sa tumataas na kaso ng covid-19.

Dahil dito, sinabi ni Maribbay na maaari namang gawin ang pagpupulong sa pamamagitan ng online lalo.

Ngunit kung hindi naman kayang gawing virtual ang pagpupulong ay gumawa na lamang ng leaflets kung saan nakasaad ang report ng barangay at ipamigay sa mga residente.

Aniya, napakahalaga na I-presenta sa mga residente ang estado ng pondo ng barangay kasama na ang proyekto at programa na ipatutupad.

-- ADVERTISEMENT --

Batay sa mandato ng republic Act 7160 o local government code ang brgy assembly ay isinasagawa sa tuwing buwan ng Marso at Oktubre kada taon kung saan layon nitong marinig ng mga residente ang semestral report ng isang barangay ukol sa mga aktibidad, pondo maging ang mga nakakaapekto sa barangay.