Patuloy ang ginagawang search and rescue operation sa apat na miyembro ng Philippine Coast Guard na missing matapos ang pagtaob ng kanilang sinakyang aluminum boat na magsasagawa sana ng rescue sa pitong tripulante ng tugboat na tinangay ng malakas na alon sa baybayin ng Aparri noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Egay noong July 26.
Sinabi ni Ensign Lamie Manglugay, acting information officer ng PCG Northern Luzon na ito ay matapos na makita ang aluminum boat sa baybayin ng Fuga Island sa Aparri na sira na ang makina at steering wheel nito
Ayon kay Manglugay, nakatutok ngayon ang aerial at surface search sa mga isla ng Fuga, Dalupiri, Calayan at Camiguin.
Kaugnay nito, sinabi ni Manglugay na nasa maayos na kundisyon ang mga tripulante ng tugboat matapos na sila ay ma-rescue sa baybayin ng Camiguin.