Inihayag ng Partido Liberal ng Pilipinas (LP) na masyado pang maaga para pag-usapan ang posibleng alyansa sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa 2028 elections.

Ayon kay LP president at dating kongresista Erin Tañada, kasalukuyang prayoridad ng partido ang pagpapalakas ng kanilang hanay bago makipag-ayos o makipag-usap sa ibang grupo.

Iginiit niya na ang alyansa sa kampo ni Duterte ay hindi kasalukuyang pinag-uusapan.

Ipinahayag din ni Tañada na ang LP ay naglalayong bumuo ng mas malawak na koalisyon ng oposisyon at mga progresibong grupo, na may layuning magtakda ng isang kandidato ng oposisyon laban kay VP Sara Duterte, kung siya ang tatakbong presidente.

Ayon sa plano ng LP, malalaman na nila ang kanilang kandidato sa ikatlong kwarter ng 2026.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, binanggit ni Pangilinan na nananatiling aktibo sa LP si dating VP at Naga City Mayor Leni Robredo, ngunit mas gusto umano nitong ibang kandidato ang tumakbo sa 2028.

Nagpahayag naman si Tañada na hindi nila ididiscount ang posibilidad na sina Senator Kiko Pangilinan at Mayor Leni Robredo ay maging kandidato, ngunit malinaw na desisyon pa rin ito na matutukoy sa gitna ng taon.