Patay ang isang ama matapos na dukutin kagabi at binaril sa ulo ng tatlong beses.

Sa salaysay ni Patricia Beran ng San Pablo, Isabela, may pumunta sa kanilang bahay kagabi na apat na kalalakihan at tinanong sa kanya kung nasaan ang kanyang asawa na si Nehemias Beran.

Nang makita ang kanyang asawa ay hinila na ito at isinakay sa van.

Sinabi ng ginang na gusto sanang sakloklohan ng kanyang dalawang anak ang ama subalit tinutukan sila ng baril.

-- ADVERTISEMENT --

Pinilit din umano niyang sumama sa sasakyan subalit tinutukan din siya ng baril at inilayo mula sa sasakyan.

Kasunod nito ay agad silang nagsumbong sa mga pulis.

Nang pauwi na sila ay may nakapagsabi sa kanila na may nakadapa sa tulay sa Brngy. Katengtengan na ilang metro ang layo mula sa kanilang bahay at kumpirmado na ito ang kanyang asawa at wala nang buhay.

ang tinig ni Ginang Patricia Beran