Sinampahan ng kasong human trafficking ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang ama na naaresto sa aktong pagbebenta ng kanyang anak na 11 buwang gulang sa halagang P55,000.
Inihain ng NBI ang reklamo sa Quezon City Prosecutor’s Office laban kay Kenneth Crisologo na naaresto noong September 3 sa entrapment operation na isinagawa ng mga agents ng NBI-Special Task Force.
Sinabi ng NBI na nag-ugat ang kaso mula sa impormasyon na natanggap ng NBI-STF na ibinebenta n Crisologo ang kanyang sariling anak online.
Matapos na makaugnayan ng NBI-STF si Crisologo at makumpirma na ibinebenta ang anak ay nagsagawa na ang mga ito ng operasyon.
Nahuli si Crisologo sa Barangay Pag-asa sa Quezon City.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, ipinasakamay ang sanggol sa Quezon City Social Welfare and Development Office ang sanggol.