
Nahuli ang isang lalaki na nagnakaw sa isang supermarket sa Tabuk City, Kalinga ng isang kahon ng gatas para sa kanyang anak.
Isang staff ng supermarket ang nakakita sa pagnanakaw ng lalaki, na isang single parent ng gatas at dinala siya sa Sub-Station 2 sa Bulanao, Tabuk.
Sa imbestigasyon ng pulisya, sinabi ng ama na napilitan siyang magnakaw ng gatas para sa kanyang sanggol na anak.
Sinabi niya na wala siyang trabaho nang matapos na nila ang kanilang construction project at iniwan siya ng kanyang asawa na mag-aruga sa kanilang anak na lalaki.
Nang malaman ni PLTCOL Jack Angog, isa ring ama, nahabag siya sa suspek.
Binayaran niya ang ninakaw na gatas upang hindi na makulong ang lalaki at mabigyan siya ng pagkakataon na magsimula muli.
Sinabi ni Angog na ang nasabing insidente, bagamat sa tingin ay simple lang, ito ay paalala na pairalin hindi lamang ang awa kundi totoong pagkahabag sa mga taong lumalaban at may pinagdaraanan sa buhay.
Idinagdag pa niya na ipinapakita ng sitwasyon ang kayang gawin ng isang ama para sa kanilang mga anak, kahit pa ilagay nila sa panganib ang kanilang kalayaan.










