Away sa pamilya ang itinuturong dahilan ng pulisya sa panunutok ng baril ng isang padre de pamilya sa nakaalitang kapitbahay sa bayan ng Lal-lo.

Kinilala ang suspek na si Mario Juan, 51-anyos, residente sa Brgy. Dalaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Pol.Master/Sgt Rizal Clemente ng PNP-Lal-lo na unang sumugod sa bahay ng suspek at nagwala ang biktimang si Danilo Dumlao na inawat naman ng mga opisyal ng barangay at pulisya.

Ayon kay Clemente, nagalit ang biktima sa hatol ng korte na guilty ang kanyang anak sa kasong panggagahasa sa anak ng suspek na naisampa noong 2013.

Subalit, ilang oras pa ang lumipas ay inabangan umano ng suspek ang biktima kasama ang asawa na galing sa centro at tinutukan ng airgun na baril ngunit naagaw ito ng biktima at hindi na pinatulan pa.

-- ADVERTISEMENT --

Tinakot din umano ng suspek ang biktima sa pagpapaputok ng kwitis.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa omnibus election code at light grave threat ang suspek.