Hustisya ang hiling ng lolo sa pagpatay sa kanyang apo na babae ng kanyang sariling ama dito sa lungsod ng Tuguegarao City kagabi.

Sinabi ni Ginoong Fernando Abana na brutal ang ginawang pagpatay ng kanyang manugang na si Jude de asis Ballad sa kanilang apo na 16 anyos ng Brgy. Carig Norte.

Ayon kay Abana, nasa loob siya ng kanilang bahay nang sumigaw ang isa niyang anak at sinabihan na puntahan ang kanyang apo dahil sa nag-aaway silang mag-ama.

Nadatnan niya na sinasakal ng kanyang manugang ang kanyang apo na duguan.

Sinabi ni Abana na laging nag-aaway ang mag-ama dahil sa kapabayaan ng kanyang manugang sa kanyang apo ay alam umano ang dalagita na ginagawang kalokohan ang kanyang ama.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid na nagtatrabaho sa Taiwan ang ina ng biktima na si Rebecca

Samantala, sumuko na umano ang suspect matapos na tumakas pagkatapos ng insidente.

Pabalik na umano dito sa Tuguegarao ang mga pulis na sumundo sa kanya sa hindi pa binanggit na lugar.