Kinasuhan ng murder ang isang ama sa Australia dahil sa pagpatay sa kanyang tatlong anak at tangkang pagpatay sa iba pang miyembro ng kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagsunog sa kanilang bahay.

Patay sa sunog ang limang taong gulang na babae, dalawang taong gulang at anim na taong gulang na lalaki.

Nakaligtas naman ang tatlong batang lalaki na edad apat, pito at 11 at isang siyam na taong gulang na babae, kasama ang kanilang ina.

Nahaharap ngayon ang 28 taong gulang na akusado sa tatlong bilang ng pagpatay, tangkang pagpatay at pagsira ng ari-arian.

Nasa pagamutan ngayon ang akusado na binabantayan ng mga pulis.

-- ADVERTISEMENT --