Kinumbinsi ni Liu Liange, dating chairman ng Bank of China ang kanyang anak na hiwalayan ang kanyang fiancee para maligawan at pakasalan niya ang babae.
Matatandaan na gumawa ng headlines si Liu noong Nobyembre ng 2023 nang hatulan siya ng suspended death sentence dahil sa pagtanggap ng 121 million yuan o 17 million dollars na suhol at paglalabas ng illegal loans na mahigit 3.32 million yuan o 450 million dollars sa panahon na siya ay chairman ng Bank of China, subalit kamakailan lang ay lalo siyang nakilala dahil sa kanyang hilig sa mga mas batang babae sa kanya.
Matapos na hiwalayan ni Liu ang kanyang asawa, tatlong beses siyang nag-asawa, at kapansin-pansin na mga bata at magaganda ang kanyang pinipili, at ang pang-apat na kanyang napangasawa ay ang ex-fiancee ng kanyang anak.
Hindi lihim ang pagkahilig ni Lui, 63 years old sa bata at magagandang babae, subalit marami ang hindi makapaniwala na magagawa niya na isabotahe ang relasyon ng kanyang anak para siya ang makapiling ng kanyang kasintahan.
Nakumbinsi ni Liu ang kanyang anak na hiwalayan ang kasintahan sa pagsasabing na ang babae ay mula sa hindi magandang pamilya at ang layunin lamang niya ay makinabang sa kanilang yaman at impluwensiya.
Sinubukan naman ng anak na kumbinsihin ang kanyang ama na walang katotohanan ang kanyang pagkakakilala sa kasintahan, subalit hindi tumigil ang ama hanggang sa napapayag niya ang anak na tapusin ang kanilang relasyon ng fiancee.
Upang matiyak na hindi magiging sagabal ang anak sa kanyang romantic ambitions, ipinakilala niya ang anak ng kanyang kaibigan sa kanyang anak.
Ginamit niya ang kanyang koneksion para mahanap ang ex financee ng anak at binigyan niya ng mga regalo, tulad ng mga mamahaling alahas at iba pang mamahaling mga produkto, at hindi naman siya nabigo dahil sa nahulog din ang babae kay Liu.
Subalit, hindi na-enjoy ni Liu ang kanyang ikaapat na pag-aasawa dahil sa parehong taon ay isinumbong siya ng isang indibidual sa Commission for Discipline Inspection, at nagsimula ang kanyang legal problems.
Dahil dito, nag-resign siya sa kanyang posisyon at nilitis siya sa kasong korupsion.