TUGUEGARAO CITY-Inaresto ang isang ama na mula sa Saudi Arabia dahil sa kasong rape sa Gattaran,Cagayan.

Sinabi ni Police Capt.Jovencio Calagui ng PNP Gattaran,na agad nilang isinilbi ang arrest warrant laban sa ama matapos na malaman na umuwi siya sa kanilang bahay sa Calaoagan Dackel,Gattaran mula sa Saudi Arabia.

Batay sa record ng PNP Gattaran,ang ina ang nagreklamo na ginahasa umano ng ama ang kanilang anak,dalawang beses noong 2016 at isa naman noong 2017 kung saan 14 years old pa lang ang anak na ngayon ay may sarili ng pamilya sa Maynila.

Subalit,sinabi ni Calagui na mariing itinatanggi ng ama ang alegasyon at pangha-harass lang umano ito ng kanyang misis.

Idinagdag pa ni Calagui na uuwi umano ang anak para tulungan ang kanyang ama dahil sa wala umanong katotohanan na ginahasa siya ng kanyang ama at gawagawa lamang umano ito ng kanyang ina.

-- ADVERTISEMENT --