TUGUEGARAO CITY- Binigyan ng deadline ng pamahalaang panlungsod ng Tuguegarao ang mga ambulant vendors ng hanggang September 15, 2019 na umalis na sa mga gilid ng mga lansangan.

Sinabi ni Market Administrator Pedro Cuntapay na ito ay bilang tugon sa memoramdum circular mula sa Department of Interior and Local Government na tanggalin ang lahat ng mga obstruction sa mga daan.

Ayon kay Cuntapay, sinimulan ang mga road clearing operations.

Idinagdag pa ni Cuntapay na magkakaroon muli ng pulong ang mga ambulant vendors at iba pang maaapektuhan sa clearing operations sa September 5 para maplantsa kung saan dapat sila pumuwesto.

Sinabi ni Cuntapay na ang unang napag-usapan sa pulong kay Mayor Jefferson Soriano kahapon sa mga ambulant vendors na hindi pa nabigyan ng pwesto ay pwede sila sa 3rd floor ng Tuguegarao Commercial Center at ang iba naman ay sa Don Domingo public market.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito, sinabi ni Cuntapay na may mungkahi din na maghanap ng private property na maaaring rentahan at tutulong ang city government sa development nito.

Subalit, iginiit ni Cuntapay na hindi man magawa ang mga nasabing plano ay kailangan na mawala na ang mga sagabal sa mga lansangan.

ang tinig ni Cuntapay

Sinabi ni Cuntapay na nakatakda na ring bakbakin ang barangay hall ng Centro 8 sa Mierkules ng susunod na linggo.

Bukod dito, aalisin na rin ang talipapa sa Centro 10, hindi dahil sa clearing operations kundi ito ay dahil sa binabaha.

Ayon sa kanya, isa pa kasi ito sa mga lugar na laging may rescue operation sa tuwing may baha.

Idinagdag pa ni Cuntapay na plano ng pamahalaang panlungsod na gawing tricycle at motorcycle lane ang outer lanes ng national highways mula boundaries hanggang poblacion ng lungsod na dati nang isinasailalim sa road clearing operations.

muli si Cuntapay

Samantala, sinabi ni Cuntapay na aalis na rin ang baratilyo sa September 17.

Reaksion ito ni Cuntapay sa mga reklamo na hindi dapat na naglagay ng baratilyo na sagabal din sa daan habang isinasagawa ang clearing operations.