Kinumpirma ng mga awtoridad na namatay si Eastman Elliot, isang American vlogger, noong gabi na siya ay dukutin sa Zamboanga del Norte noong October 17.
Sinabi ni Lt. Col. Ramoncelio Sawan, acting information officer of the Police Regional Office 9 (Zamboanga Peninsula), binaril si Elliot, 50, ng kanyang abductors nang lumaban siya at namatay habang ibinabiyahe siya sa motorboat palayo sa kanyang tahanan sa Barangay Poblacion, Sibuco.
Ayon sa saksi, nagtamo ng dalawang tama ng baril si Elliot at itinapon ang kanyang bangkay.
Sa kabila ng paghahanap, hindi nakita ang mga labi ni Elliot.
Naghain ng reklamong kidnapping at serious illegal detention ang CITMG “Eastman” laban sa apat na nakilalang suspects noong October 29.
Sinabi ni Sawan, inaresto ng mga operatiba ang isa sa mga suspecct noong November 18, habang ang dalawang iba pa ay patuloy na tinutugis.
Tiniyak ng CITMG na ginagawa nila ang lahat upang mapanagot ang mga sangkot sa nasabing krimen.
Si Elliot, YouTube creator at tubong Vermont ay limang buwan na nanirahan sa Sibuco kasama ang kanyang asawa, na residente ng nasabing lugar.