Wala pang natatanggap ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng kahilingan mula sa International Criminal Court (ICC) para i-freeze ang assets ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni AMLC Secretariat Executive Director Matthew David kung may kahilingan mula sa ICC, isasailalim ito sa evaluation, at kokonsultahin ang mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan upang tukuyin ang tugon ng pamahalaan para sa potentional ICC request para sa pagpapatupad ng kanilang kautusan.

Una rito, sinabi ng AMLC na pinag-aaralan nila ang posibleng asset freeze dahil sa may mga puwang sa legal framework ng bansa na maaaring magkaroon ng hamon sa pagpapatupad ng freeze order.

Sinabi din ng Malacañang nitong nakalipas na linggo na ang AMLC ang hahawak sa anumang kahilingan sa assets ni Duterte.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, ang AMLC ang magdedesisyon kung paano tugunan ang katulad na kahilingan.

-- ADVERTISEMENT --