Ikinulong na walang piyansa si Nick Reiner, 32 anyos dahil pinaghihinalaan na siya ang pumatay sa kanyang mga magulang na sina Rob reiner at Michele.

Hinuli si Nick noong Linggo ng gabi at nakakulong ngayon sa Los Angeles county.

Ayon sa LA police, natagpuang patay sina Rob at Michele sa kanilang bahay sa Brentwood noong Linggo ng hapon.

Ayon sa dalawang indibidual na tumangging magpakilala at hindi awtorisadong magsalita sa publiko na pinagsasaksak ang mag-asawa.

Base timeline na inilatag ng mga awtoridad, mayroong hanggang bukas ang mga prosecutor na magsampa ng kaso.

-- ADVERTISEMENT --

Si Rob, 78 anyos, ay isang sikat na sitcom actor bago siya naging director ng ilang pelikula, kabilang ang “This Is Spinal Tap,” “When Harry Met Sally,” at “The Princess Bride.”

Ang kanyang asawa na si Michele, 70 anyos, ay isang photographer at producer.

Matatandaang nitong mga nakalipas na taon ay inilahad ni Nick Reiner ang kanyang pakikipaglaban sa drug abuse at homelessness beginning noong kanyang kabataan.

Sinamahan niya ang kanyang ama sa isang pelikula, ang “Being Charlie,” na inspired ng ilang bahagi kanyang naging buhay.

Sinasabing nagkaroon umano siya ng pakikipagtalo sa kanyang anak sa isang holiday party.

Bago natagpuan ang mga labi nina Rob at Michele, dumalo si Nick sa isang holiday party kasama ang kanyang ama sa bahay ni Conan O’Brien at naalarma ang mga bisita sa kanyang asal, ayon sa dalawang dumalo sa nasabing kasiyahan.

Ayon sa isang bisita, nagkaroon ng sigawan ang mag-ama sa party sa West Los Angeles, kung saan sinabi ni Rob sa kanyang anak na hindi maganda ang kanyang ginawa.