
Pormal nang nagsimula ang Traslacion 2026 matapos umalis ang andas na kinalululanan ng imahe ng Poong Hesus Nazareno sa Quirino Grandstand alas-3:58 ng madaling araw nitong Biyernes, Enero 9.
Ang pag-alis ng andas ay isinagawa matapos ang “Panalangin sa Bukang-Liwayway,” hudyat ng pagsisimula ng prusisyon na magdadala sa imahe sa mga lansangan ng Maynila patungo sa Quiapo Church.
Bago ang Traslacion, nagpatupad ang mga awtoridad ng mga hakbang sa crowd control at kaligtasan para sa taunang pagdiriwang. Ibinahagi rin ng Quiapo Church ang mga entry at exit points, lokasyon ng portalets, at LED viewing screens upang gabayan ang mga deboto.
Ang ruta ng Traslacion 2026 ay magsisimula sa Quirino Grandstand at liliko pakaliwa sa Katigbak Drive, bago dumaan sa iba’t ibang kalsada ng lungsod patungong Quiapo.










