Ang impeachment sa ating bansa ay tinatalakay sa Article XI ng 1987 Constitution sa ilalim ng “Accountability of Public Officers.”
Iginigiit sa Section 1 na ang “public office is a public trust, na ibig sabihin, ang mga public officerrs and employees sa lahat ng pagkakataon ay may pananagutan sa mamamayan, pagsilbihan sila ng buong responsibilidad, integridad, katapatan, at kahusayan, magpakita ng pagiging makabayan at itaguyod ang hustisya, at panatilihin ang pagiging mapagpakumbaba.
Nakasaad sa Article XI na ang presidente, bise presidente, mga miyembro ng Supreme Court, mga miyembro ng Constitutional commissions, at ang Ombudsman ay maaaring matanggal sa puwesto sa pamamagitan ng impeachment, at conviction dahil sa culpable violation of the Constitution, treason, bribery, graft and corruption, at ibang high crimes, at betrayal of public trust.
Nagsisimula ang impeachment process sa House of Representatives kung saan kahit sinong miyembro o mamamayan ay puwedeng maghain ng beripikadong reklamo na kailangan na ma-endorso ng sinomang miyembro ng Kamara.
Ito ay kailangan na makasama sa Order of Business sa loob ng 10 session days at ipapasakamay ito sa tamang komite sa loob ng tatlong session days pagkatapos.
Pagkatapos ng hearing at sa pamamagitan ng majority votes ng panel members, kailangan na magsumite ang House Committee ng report sa Kamara sa loob ng 60 session days.
Ilalagay sa kalendaryo ang resolution ng Kamara sa loob ng 10 session days.
Ang boto ng kahit one-third ng lahat ng miyembro ng Kamara ang kailangan para mapagtibay ang paborableng resolution sa Articles of Impeachment of the Committee, o magkaroon ng override sa contrary resolution nito.
Sa ilalim ng Sec 3 (3) of Article XI, ang boto ng bawat miyembro ay dapat na nakatala.
Kung sakali na ang verified complaint o resolution ng impeachment ay inihain ng nasa one-third ng lahat ng Members of the House, ito’y bubuo ng Articles of Impeachment, at susunod naman ang paglilitis sa Senado.
Ang aprubadong resolution ay dapat na iindorso sa Senado na susubukan na hatulan ang impeached official, at ito ay sa pamamagitan ng two-thirds ng Senate votes.
Ang judgement sa mga kaso ng impeachment ay hindi dapat na napapalawig maliban lamang sa pagkakatanggal mula sa posisyon at disqualification sa paghawak ng anomang public office sa ilalim ng Republic of the Philippines, subalit ang nahatulan ay walang pananagutan at hindi isasailalim sa prosecution, paglilitis, at parusa.
Subalit, malinaw na nakasaad sa Constitution na walang impeachment proceedings ang isasagawa laban sa parehong opisyal ng mahigit isa sa loob ng isang taon.
Si dating Pangulong Joseph Estrada ang unang presidente na na-impeach ng House of Representatives noong 2000 dahil sa asuntong bribery at corruption.
Subalit, ang kanyang impeachment trial noong 2001 ay itinigil matapos na tanggihan ng mga senador ang presentasyon ng envelope na dapat ay naglalaman ng ebidensiya laban kay Estrada.
Sinasabing naglalaman ang envelope ng sulat mula sa dating presidente sa isang opisyal ng bangko na humihingi siya ng pahintulot na buksan ang account sa pangalan na Jose Velarde.
Nagbunsod ito ng walkout ng mga prosecutors, at nagbunsod ng ikalawang People Power.
Ang parehong kaso ay inihain laban kay Estrada sa anti-graft court.
Kabilang din sa mga matataas na opisyal na na-impeach ay sina dating Ombudsman Merceditas Gutierrez, dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona noong 2011 at dating Commission on Elections chairperson Andres Bautista in 2017.
Itinigil ang paglilitis sa Senado laban kina Gutierrez at Bautista matapos na magbitiw ang mga ito sa kanilang puwesto.
Nahatulan naman si Corona noong 2012 dahil sa betrayal of public trust at culpable violation of the Philippine Constitution.
Ang pinakahuli na sinampahan ng impeachment complaint ay si Vice President Sara Duterte na inihain ng advocacy groups at inindorso ni Akbayan party-list Rep. Perci CendaƱa.
Nag-ugat ang reklamo sa alegasyon laban kay Duterte na culpable violations of the Constitution, graft and corruption, bribery, betrayal of public trust, at iba pang high crimes.