Ano ang mangyayari kung hindi makukuha nina Kamala Harris at Donald Trump ang Electoral College majority na kailangan para manalo sa US election?
Bagamat malabo na ito ay mangyari, posible pa rin ang nasabing senaryo.
Sa ilalim ng US system, hindi ang popular vote ang magpapasiya kung sino ang magiging presidente, subalit ang 538-member “Electoral College,” kung saan bawat estado ay makakakuha ng kahit ilang bilang na “electors” bilang kanilang representation sa Congress.
Lahat ng estado bukod sa Nebraska at Maine ay iginagawad ang lahat ng kanilang electors sa sinuman na mangunguna sa state-wide popular vote.
Kung kapwa mabibigo sina Harris at Trump na maabot ang majority threshold ng 270 electors, sinasabi sa US Constitution, ang Congress ay may deciding role sa sitwasyon.
Partikular, ang bagong halal na House of Representatives ay pipili ng presidente sa Enero, habang ang Senado ang magtatalaga ng bagong vice president.
Maraming posibleng senaryo ang mangyayari sa 269-269 Electoral College split.
Isang halimbawa na posibleng mangyari ay kung mangunguna si Harris sa mga estado ng Wisconsin, Michigan, at Pennsylvania, habang ang Republican former president ay sa Georgia, Arizona, Nevada, at North Carolina, dagdag pa ang single left-leaning district sa Nebraska.
Mapipilit na magkaroon ng tinatawag na contingent election sa Congress kung magkakaroon ng tie, isang insidente na hindi pa kailanman nangyari sa modern American history.
Ang huling tie record na napilitan ang Congress na pumili ng presidente ay noong 1800 election, kung saan tinalo ni Thomas Jefferson si incumbent president John Adams.
Nagresulta ito ng pagkahati-hati sa Congress, hanggang sa napili si Jefferson sa kanilang 36th ballot.
Sa ngayon, kung kailangan ang boto ng House, ito ay mangyayari sa January 6, 2025.
Kaugnay nito, sinabi ng Congressional Research Service (CRS), na ang bawat estado ano man ang population nito, ay magtala lamang ng single vote para sa presidente sa contingent election.
Ibig sabihin, ang Republican-leaning Wyoming na may population na 500,000 ay may parehong impluwensiya sa Democratic California, na may 39 million population.
Bagamat ang US capital city Washington ay may tatlong Electoral College votes, hindi ito makakakuha ng boto sa contingent election, dahil hindi ito estado.
Ayon sa CRS, ang mga estado na may dalawa o higit pa na representatives ay kailangan na magsagawa ng internal vote para matukoy kung sinong kandidato ang kanilang susuportahan.
Kailangan ng isang kandidato na manalo ng majority sa 50 states, o 26 votes.