TUGUEGARAO CITY- Labis na ikinagalak ng Ang Nars Party-list ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation (SONA) na itataas ang sahod ng mga nurse sa bansa.

Ayon kay Congresswoman Dr. Leah Paquiz ng Ang Nars Party-list, ito ang kauna-unahang pagkakataon na naisama sa SONA ng isang pangulo ang kanilang hinaing na dagdag sahod.

Aniya, bagamat pinirmahan ni dating Pangulong Gloria Arroyo ang batas na magkakaroon ng dagdag sahod sa mga nurses noong 2002, hindi naman umano naipatupad.

Dahil dito, tuwang-tuwa ang kanilang grupo dahil napakinggan na ang kanilang hinaing para sa mga nurses.

Kumpiyansa naman si Paquiz na magagaling at maalaga ang mga nurses sa bansa kung kaya’t nararapat lamang na itaas ang kanilang sahod.

-- ADVERTISEMENT --