Binawi na ng ilang lokal na pamahalaan sa Cagayan ang pagpapahintulot sa angkas sa motorsiklo ng mga magkapamilya alinsunod sa kautusan ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ang pagbabawal aniya sa mga motorsiklo na bumiyahe sa mga lansangan na mayroong angkas ay bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na mapigilan ang tuluyan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 sa bansa.

Sa ilalim ng guidelines on social distancing, pwedeng gamitin “for personal use” ang motorsiklo basta’t rider lang o driver lang ang sakay nito.

Kaugnay nito, istrikto na muling ipinagbabawal ang backriding o pag-angkas sa motorsiklo sa mga bayan na unang nagpahintulot ng backriding sa mga magkapamilya.

Ito ay kinabibilangan ng Tuguegarao City, Iguig, at Solana.

-- ADVERTISEMENT --