TUGUEGARAO CITY- Nagsasagawa pa lamang ng assessment ang Provincial Disaster Risk and Reduction Office ng Nueva Vizcaya sa bilang at pinsala na mga bahay na sinalanta ng buhawi sa limang barangay sa Bambang at isa sa Bayombong Nueva Vizcaya noong March 18.
Ipinaliwanag ni Robert Corpuz, head ng PDRRMO na bagamat may 77 families na binubuo ng 258 individuals ang naapektuhan sa pananalasa ng buhawi ay kailangan pa rin ang assessment kung nagkaroon ng partial o totally damaged din ang kanilang mga bahay.
Kaugnay nito, sinabi ni Corpuz na una na silang nakapagbigay sa mga nasabing residente ng mga food at non-ffod items.
Sinabi pa Corpuz na bukod sa mga bahay ay tumutulong na rin sa assessment ang Department of Agriculture sa posibleng pinsala na iniwan ng buhawi sa mga pananim habang ang Provincial Veterinary Office ay nagsasagawa na ng validation sa report ng isang magsasaka na inilipad umano ng buhawi ang kanyang mga itik habang ipinapastol niya ang mga ito.
Ayon sa kanya, may isang magsasaka na nag-report na inilipad ng buhawi ang lahat ng kanyang itik habang ipinapastol niya ang mga ito.
Nagsasagawa na rin ng damage assessment ang Department of Public Works and Highways at National Irrigation Administration.