Tuguegarao City- Muling nadagdagan ng anim (6) ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lambak ng Cagayan.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) region 2, kabilang sa mga nadagdag ay si CV229 na isang 18 anyos na lalaking mula Tuao at galing ng Meycauayan, Bulacan, CV230 na 63 anyos na lalaking seafarer OFW mula San Mateo, Isabela at si CV231, 26 anyos na lalaking mula sa bayan ng Lallo at may travel history sa Makati City.

Nagpositibo rin sa virus sina CV232, 36 anyos na lalaking galing ng Quezon City mula sa Bayan ng Piat, CV233, 24 anyos na lalaking galing ng Taguig City mula Solana at si CV234 na 21 anyos na lalaking mula pa rin sa Solana at may travel history sa Caloocan City.

Sa ngayon ay nasa iba’t ibang isolation facilities na ang mga pasyenteng asymptomatic ang condition at patuloy na minomonitor ng mga medical frontliners.

Patuloy naman ang contact tracing ng mga otoridad upang matukoy ang mga posibleng nakasalamuha ng mga pasyente.

-- ADVERTISEMENT --