Umabot sa anim na katao ang inaresto habang tatlo naman ang at large o patuloy na pinaghahanap sa probinsya ng Cagayan dahil sa paglabag sa implimentasyon ng COMELEC Liqior ban kahapon Mayo 8.
Sa report ng pulisya, apat sa mga arestado ay pawang mula sa Bayan ng Gattaran na kinilalang sina Geron Tajor; Felipe Paguyo; Jonel Pascua; at Eric Pascua habang sina Lorence Bambalan at Ronie Escobar naman ay mula sa bayan ng Rizal, Cagayan.
Sa ngayon ay patuloy namang pinaghahanap ng mga otoridad ang kasamahan ng mga naaresto na sina Ronald Daguio at Dominador Ancheta Jr mula sa bayan ng Gattaran maging ang isa pang Teodoro Bambalan mula sa bayan ng Rizal.
Maalalang ang implimentasyon ng Liquor Ban ay pinagtibay at nakapaloob sa inilabas na resolution 10746 ng Commission on Elections na tatagal hanggang sa Mayo 9.
Umapela naman ang PNP Region 2 sa publiko na sundin ang nasabing kautusan upang matiyak ang mapayapa at maayos na pagdaraos ng National at Local Elections ngayong araw.