TUGUEGARAO CTY- Nakatakdang sasampahan ng kasong paglabag sa batas may kaugnayan sa iligal na pagsusugal ang anim na katao kabilang ang isang menor de edad na nahuli sa Solana, Cagayan kahapon.
Sinabi ni PCAPT Junjun Balisi, hepe ng PNP Solana na agad nagsagawa ng operasyon ang mga pulis nang iparating sa kanilang kaalaman ang kanilang confidential informant ang pagsusugal sa isang bahay sa Brgy. Andarayan North.
Nadatnan ng mga pulis ang mga nasabing indibidual na naglalaro ng “tong-its” at “pepito”.
Sinabi ni Balisi na nakikipag-ugnayan pa sila sa DSWD upang malaman kung mayroon sa mga nahuli ang nakatanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration Program.