Tuguegarao City- Muling nadagdagan ng 6 na mga panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Rehiyon 2.
Sa pinakahuling datos ng DOH Region 2, pumalo na sa 99 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng nakakahawang sakit sa buong rehiyon.
Sa ngayon ay nasa 42 na ang kabuuang bilang ng mga nakarecover sa sakit, 16 ang clinically recovered, 40 ang kasalukuyang naka-admit sa iba’t ibang pagamutan at nananatiling isa lamang ang bilang ng nasawi.
Kabilang sa anim na naidagdag ay sina Patient-94, 22 anyos na babae, galing Pasay City kasama si Patient-95 na 23 anyos na babaeng galing ng Malabon at kapwa mula sa Quezon, Isabela.
Nagpositibo rin sa virus si Patient-96 na isang 46 anyos na babaeng OFW sa Saudi, mula sa Aritao Nueva Vizcaya, Patient-97, 24 anyos na babaeng mula sa bayan ng Alicia at galing ng Laguna.
Naidagdag din sa listahan sina Patient-98 na 34 anyos na babaeng taga Aurora, Isabela, galing ng Angono, Rizal at si Patient-99 na 17 anyos na babae, galing ng Quezon City, nakasalamuha si Patient-61 na isang 26 na lalaki at kapwa mula sa Bayan ng Baggao.
Nagsasagawa na ng contact tracing ang mga otoridad upang matukoy ang mga posibleng nakasalamuha ng mga nasabing pasyente.