Tuguegarao City- Pinag-uusapan na ng Regional Adjudication Board ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang kaso ng anim na pulis na kabilang sa listahan ng mga sangkot sa iligal na droga.

Ito ay matapos mapag-alaman na kabilang ang mga ito sa 357 na pulis na pinangalanan ni PNP Chief Archie Gamboa.

Sa panayam kay PBGEN Angelito Casimiro, Regional Director ng PRO2, nasa tanggapan na umano ni General Gamboa ang anim na pulis mula sa Cagayan upang sumailalim sa imbestigasyon.

Aniya, may pag-asa pa ang mga ito na makabalik sa serbisyo kung sakaling mapatunayan na hindi sila sangkot sa iligal na droga ngunit kung magpositibo naman ang gagawing imbestigasyon sa mga ito ay mismong central office na ang gagawa ng kaukulang aksyon para sa mga ito.

-- ADVERTISEMENT --