Huli ang anim na mga tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation ng Tuguegarao Component City Police Station katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 2 (PDEA RO2).

Ayon sa PNP Tuguegarao, ang mga suspek ay pawang nasa wastong gulang.

Ang apat ay residente ng Cagayan habang ang dalawa naman ay mula sa Kalinga.

Nahuli ang mga ito matapos magbenta ng isang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalaang shabu sa isang poseur buyer.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang mga sumusunod na ebidensya:

-- ADVERTISEMENT --
  1. Buy-bust staff na isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalaang shabu;
  2. Pitong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalaang shabu mula sa kanilang mga pag-iingat;
  3. Buy-bust money na isang tunay na isang libong piso;
  4. Dalawang piraso ng nakatiklop na aluminum foil na may residue ng hinihinalaang shabu;
  5. Anim na piraso ng gamit o kusot ng mga aluminum foil;
  6. Dalawang piraso ng nakatiklop na aluminum foil paper;
  7. Isang gunting;
  8. Dalawang disposable lighter;
  9. Isang itim na pouch; at
  10. Isang bakanteng transparent plastic sachet.

Dinala ang mga suspek at nakumpiskang ebidensya sa PDEA RO2 para sa drug test at laboratory examination, bago ang pagdadala sa mga suspek sa People’s General Hospital para sa medikal at pisikal na pagsusuri bago pansamantalang ikustodiya sa Custodial Facility ng Tuguegarao CCPS.

Kasalukuyan nang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng reklamo laban sa mga suspek sa pamamagitan ng inquest proceedings.