Anim pang bagyo ang inaasahan na papasok sa Philippine area of Responsibility (PAR) ngayong taon.

Ayon kay Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) Assistant Weather Services Chief and Weather Division Officer-in-Charge Christopher Perez, na dalawa sa walong tropical cyclones ang tinayang pumasok sa PAR mula July hanggang December.

Ang bagyong Kristine at Leon ang unang dalawang bagyo na pumasok sa PAR noong Oktubre.

Sinabi pa ni Perez na ang mga bagyo papasok sa nalalabing buwan ng taon ay inaasahan na mas malakas at may posibilidad na tumawid ang mga ito sa kalupaan ng bansa.

Ipinaliwanag ng Pagasa na ang mga bagyo ay madalas na mas malakas sa huling quarter ng taon bunsod ng makakapal na kaulapaan sa tropical cyclones, at naramdaman ito sa bagyong Kristine.

-- ADVERTISEMENT --