Anim pang senador ang tumanggap ng campaign contributions mula sa contractors, ayon kay Elections Chairman George Erwin Garcia.
Sinabi ni Garcia na ang mga donor ng mga nasabing senador ay kasama 55 contractors na nagbigay ng kanilang kontribusyon noong 2022 elections.
Gayunman, tumanggi si Garcia na pangalanan ang mga nasabing senador habang nakabinbin pa ang imbestigasyon ng Comnelec.
Ipinunto pa ni Garcia na ang mga contractor na nagbibigay ng donasyon sa mga pulitiko ay hindi nangangahulugan na may nilabag silang batas.
Habang ipinagbabawal sa Section 95(c) of the Omnibus Election Code ang campaign contributions mula sa natural o juridical persons na may hawak na kontrata o subcontracts sa pamahalaan, hindi kasama sa prohibition ang private contractors.
Matatandaan na naglabas ang Comelec ng show-cause order laban kay Senator Francis Escudero matapos na mag-donate si Centerways Construction and Development Inc. president Lawrence Lubiano ng P30 million sa kampanya ng senador at nakumpirma na sangkot ito sa mga kontrata sa pamahalaan.
Sinabi ni Garcia na naghihintay pa sila ng feedback mula sa Department of Public Works and Highways para sa 54 apat na iba pang contractors, para matukoy kung sangkot sila sa government projects.
Sinabi din ni Garcia na ang ibang contractors ay nasa industries tulad ng glass and aluminum at real estate, na nabibilang sa private sector.