Animal Kingdom Foundation

TUGUEGARAO CITY-Ikinagalak ng Animal Kingdom Foundation ang inilabas na Memorandum Order ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pwede nang isakay ang mga alagang hayop sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay Atty. Heidi Caguioa ,program director ng Animal Kingdom Foundation,isa umanong magandang balita para sa mga pet owners ang memorandum circular No. 2019-019 dahil nabigyan na ng sagot ang isa sa sakanilang hinihiling.

Ngunit, sinabi ni Caguioa, na hindi umano nakasaad sa nasabing Memorandum Order kung magkakaroon ng designated pet compartment ang mga public utility vehicles.

Aniya, hindi umano malinaw sa nasabing memo kung minamandato rin ng LTFRB ang mga pampublikong sasakyan na magkaroon ng pet compartment kung kaya’t ito ang kanilang muling idudulog sa LTFRB para magkaroon ng linaw.

Sinabi ni Caguioa na kailangan ay maging komportable rin ang mga alagang hayop habang ito’y nasa byahe.

-- ADVERTISEMENT --

Bagamat wala namang nakasaad sa inilabas na memo ng LTFRB na kaparusahan sa sinumang mapapatunayang may kapabayaan sa mga hayop, may mga kaparusahan namang maaring kaharapin na nakasaad sa Animal Welfare Act

Samantala, nanawagan si Caguioa sa publiko na huwag katayin ang mga alagang hayop lalo na ang mga aso bagkus ay alagaan at pahalagahan.