TUGUEGARAO CITY-Aprubado na ng konseho ng Tuguegarao ang annual budget ng tatlong barangay ng lungsod sa isinagawang regular session, kahapon .

Ipinirisinta ni Councilor Danilo BaccAy , Chairman ng Committee on Appropriation,ang naturang budget kung saan mayroong tig-mahigit tatlong milyon ang Brgy. Anaffunan West at Centro 12 habang mahigit 1milyon naman ang Brgy. Namabbalan Sur.

Bukod dito, inaprubahan din ng konseho ang Sanguniang Kabataan (SK) budget ng Brgy. Libag sur na mayroong mahigit P300,000.

Gagamitin ang naturang budget para sa nakalinyang proyekto at programa para sa nasasakupang lugar.

Sinabi ni Baccay na nakapasa sa budgetary requirements ang mga nasabing Brgy na dahilan ng pagkapasa.

-- ADVERTISEMENT --