Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang ganap na batas ang Republic Act No. 12022 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.

Sa pamamagitan nito, pahihintulutan ang pamahalaan na habulin ang iligal na aktibidad na nakakaapekto sa sektor ng agrikultura, food supply at presyo.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Marcos na sa pamamagitan ng batas ay magkakaroon ng mas malakas, at mas matibay na sektor ng agrikultura na magtatanggol sa mga magsasaka at mga mamimili.

Sinabi pa niya na ang batas ay magbubunsod ng paglikha ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Council na kanyang pamumunuan, kasama ang iba pang mga opisyal ng pamahalaan, maging ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Enforcement Group, na tututok sa pagbuwag ng smuggling operations at paghuli sa mga sangkot sa nasabing iligal na aktibidad.

Nakapaloob din dito ang mandato na pagbuo ng special team ng prosecutors na hahawak sa mga kaso na may kaugnayan sa agricultural sabotage.

-- ADVERTISEMENT --

Kasabay nito, nanawagan siya sa publiko na maging vigilant at isumbong ang mga kaso ng pananabotahe sa agri-economy.