TUGUEGARAO CITY- Iginiit ni Ging Cristobal ng Outright Action International na panahon na para ipasa ang Anti-discrimination Bill.

Ito ay kasunod ng nangyaring diskriminasyon sa isang transgender sa Quezon City na hindi pinayagan ng staff ng mall na gumamit ng CR ng mga babae.

Nang nakipagsagutan sa cleaner ng CR ang transgender na si Gretchen Diez dahil sa pinapagamit siya sa banyo ng mga lalaki ay hinuli siya at kinasuhan ng unjust vexation.

Binigyan diin ni Cristobal na dapat na maibigay ang pantay na karapatan sa mga lesbian, gay, bisexual, transgender, queer and questioning, intersex and asexual and/or allies o LGBTQIA.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Cristobal na na 20 years na ang panukalang batas sa kongreso subalit hanggang ngayon ay hindi pa naipapasa.

Ayon sa kanya, ang nasabing panukala ay hindi lamang para sa LGBTQIA kundi para sa lahat.

Idinagdag pa ni Cristobal na hindi naman issue sa relihiyon ang nasabing panukala tulad ng sinasabi ng ilang senador.

Ayon sa kanya, ito ay pagsusulong ng pagrespeto sa karapatan ng bwat isa at hindi ang payagan na magkaroon ng kasalan sa mga LGBTQIA.

ang tinig ni Cristobal