
Binubuo na umano ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang “anti-epal” guidelines upang matiyak na hindi makikialam ang mga politiko sa pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Sa pagdinig sa Senado, tinanong ni Senator Sherwin Gatchalian si DSWD Crisis Intervention Program Head Artemio Bautista tungkol sa mga patnubay na nakasaad sa 2026 General Appropriations Act (GAA) na nagbabawal sa pakikialam ng mga politiko sa pamamahagi ng tulong.
Sinabi ni Bautista na mayroon nang anti-epal guidelines ang DSWD para sa lahat ng financial aid programs at naghahanda ng hiwalay na “omnibus” guidelines para sa AICS.
Sinabihan naman ni Senator Erwin Tulfo ang DSWD na tapusin agad ang mga patnubay, para maipatupad na, lalo na at malapit na ang barangay elections.
Ayon sa kanya, isa sa alalahanin ng mga tao ay inaabuso ang mga ayuda ng pamahalaan.
Iginiit ni Tulfo na hindi dapat magkaroon ng papel ang mga barangay official sa pamamahagi ng AICS o Sustainable Livelihood Program (SLP):
Tinanong din ni Tulfo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) tungkol sa pagpapatupad ng probisyon ng GAA.
Sinabi ni DILG Undersecretary David Monalud na inihahanda na ang Memorandum Circular upang ipaalala na ipinagbabawal ang pakikialam ng mga halal na opisyal maliban sa mga kongresista at senador sa pamamahagi ng tulong.
Binigyang-diin ng senador ang patas na pagpili ng mga benepisyaryo anuman ang kanilang politikal na
paninindigan.









