
Target ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na simulan sa Disyembre ang pagtalakay sa panukalang batas na magbabawal sa political dynasty o magkakapamilya sa gobyerno.
Ayon kay Lanao del Sur 1st District Representative Zia Alonto Adiong, na siya ring chairman ng komite, prayoridad ng Kamara ang Anti-Political Dynasty Bill sa ilalim ng liderato ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III.
Binanggit ni Adiong na siyam ang panukalang nakahain ngayon sa Kamara kaugnay ng anti-political dynasty, kaya hinihintay na lamang nila ang consolidated o pinag-isang bersyon nito na siyang pagtitibayin ng Kapulungan.
Para kay Adiong, napapanahon na itong talakayin upang malinawan kung ano ang eksaktong kahulugan at saklaw ng itinuturing na political dynasty sa isang pamilya.










