TUGUEGARAO CITY- Kulong ang dalawang katao matapos na mahuli sa drug buy-bust operation kagabi sa Tuguegarao City.

Nakilala ang mga ito na sina Alvin Pascua ng Punta, Aparri at Marichie Medicinaceli ng Tallungan, Aparri kapwa pansamantalan naninirahan sa Brgy. Tanza, Tuguegarao.

Unang nakuha sa mga suspect ang dalawang sachet ng umano’y shabu na ibinenta sa pulis na nagpanggap na buyer.

Sumunod na nakuha sa mga ito ang walong sachet na naglalaman din umano ng shabu.

-- ADVERTISEMENT --

Sa pagtaya ng PNP, mahigit P13,000 ang halaga ng nasabing iligal na droga.

Samantala, huli ang dalawang umano’y sangkot sa motornapping.

Kinilala ang mga ito na sina Eduardo Marquez ng Atulayan Sur, Tuguegarao at Jessica Talamayan ng Amulung.

Ang dalawa ay kinilala ng kanilang kasabwat sa pagnanakaw ng motorsiklo na si Jeremiah Zinampan noong July 23.

Nakuha sa dalawa ang motorsiklo at nakita sa U-box nito ang apat na sachet na naglalaman ng marijuana.