Patay ang apat na katao at walo ang nasugatan matapos na ibangga ng isang lalaki sa pintuan ng Church of Jesus Christ ng Latter-day Saints sa Michigan sa Amerika at nagpaputok ng assault rifle at sinunog ang simbahan.
Ayon sa pulisya, ang nagsagawa ng karahasan ay kinilala na si Thomaa Jacob Standford, 40-anyos, dating US Marine sa bayan ng Burton, kung saan sinadya niyang sunugin ang simbahan.
Dalawa ang agad na namatay at walo ang nasugatan matapos na pagbabarilin ng lalaki ang mga nasa loob ng simbahan.
Matapos ang ilang oras pagkatapos ng pamamaril, iniulat ng pulisya na may nakita sila ng dalawang karagdagang namatay sa insidente.
Sinabi pa ng pulisya na may mga nawawala pa.
Daang-daang katao ang nasa simbahan nang banggain ni Sandford ang gusali.
Iniimbestigahan na ang motibo sa nasabing pamamaril.
Batay sa US military records, si Sandford ay dating US Marine mula 2004 hanggang 2006 at isang Iraq war veteran.
Una rito, suspect din ang isang 40-anyos na Marine veteran na nagsilbi sa Iraq sa pamamaril sa North Carolina na ikinamatay ng tatlong katao at lima ang nasugatan ilang oras bago ang pamamaril sa Michigan.