
Patay ang apat na katao at dalawa ang nasugatan sa away ng dalawang pamilya gamit ang mga patalim sa La Paz, Iloilo City noong Sabado.
Kabilang ang mga namatay ay si Johnny Provido Sr. at dalawa anak na lalaki na sina Joven at Johnny Jr. at si Tyrone Muya.
Ang mga nasugatan ay ang dalawang kapatid na lalaki ni Muya, na sina Gilbert at Glenmark.
Batay sa kuha ng CCTV footage, makikita na nagtatalo ang tatlo lalaki, nang biglang may lumabas na isa pang lalaki mula sa isang bahay at pinalo niya ang mga ito ng kahoy, sumunod naman ay dumating ang isa pang lalaki at sinaksak ang isa mga ito.
Sangkot sa nasabing kaguluhan ang mga miyembro ng pamilya ng Provido at Muya.
Ayon sa pulisya, nag-ugat umano ang away nang binawi ni Johnny Provido Jr. ang P1,500 na ibinayad niya sa isang alyas “Badoy,” bayaw ng mga Muya.
Sinabi ni Gilberto Muya, ama ng magkapatid na Muya, hinahanap ni Johnny Jr. si Badoy at may dala siyang patalim kasama ang kanyang nakatatandang kapatid, hanggang sa nagkaroon na ng pananaksak.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente upang matukoy ang mga suspek at mga pangyayari bago ang pananaksak.
Naka-hospital arrest ang mga nasugatan na magkapatid na Mutya at nakatakdang sasampahan ng kaso.










