
Sinibak na sa puwesto ang apat na regional directors ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ito’y may kaugnayan sa ginagawang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.
Ang mga nasabing regional directos ay mula sa Region-1, Region 4-A, Region-5, at Region-7.
Bukod sa mga nasabing opisyal, tinanggal din sa pwesto ang ilang assistant regional directors ng DPWH sa Region 4B at Region 5, maging na ang district engineers mula sa Metro Manila 3rd District Engineering Office at South Manila District Engineeting Office.
Ang mga OIC District Engineers mula sa La Union 1st District Engineering Office, Iloilo City at Leyte 4th District Engineering Offoce ay ni-relieve din sa pwesto matapos hindi pumasa sa Civil Service Commission (CSC) Qualification Standards.
Samantala, tututukan ng DPWH ang pagsasaayos ng Maharlika Highway sa mga susunod na araw.
Sa presscon ni DPWH Sec. Vince Dizon, ang nasabing kalsada ay nagkaroon na ng mga problema kung saan matagal na rin itong inirereklamo ng mga motorista.
Aniya, ang Maharlika Highway ay siyang kalsada na maaaring daanan para makatungo sa mga expressway, tulay, paliparan, at mga pantalan.
Sinabi ni Dizon, isa ang Maharlika Highway na prayoridad ng DPWH lalo na’t ito ang pangunahing kalsada mula Luzon hanggang Mindanao.
Bukod sa nasabing highway, sisikapin din tapusin ng DPWH ang mga sira-sirang kalsada, kalye at mga tulay habang malapit na rin matapos ang phase 1 ng EDSA rehabilitation.
Muling iginiit ni Dizon na kahit pa mababa ang pondong inilaan sa kanilang tanggapan, sisikapin pa rin ng DPWH na matapos ang mga nakalinyang proyekto na magbebenipisyo ang taumbayan.










