Nailigtas ang apat na mangingisda na nasira ang kanilang bangka sa Babuyan Claro kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Joe Arirao ng Calayan, galing ng bayan ng Santa Ana ang lampitaw at pauwi na sana sila sa babuyan Claro ng bahagyang tumaob ang kanilang bangka at pinasok ng tubig.

Agad na nagpa-rescue ang mga sakay ng lampitaw sa pamamagitan ng haldheld radio kung saan agad na nagsagawa ang search and rescue operation ang Philippine Coast Guard at iba pang rescuers.

Nakita ang mga mangingisda na nakahawak sa kanilang lampitaw sa gitna ng dagat.

Ayon kay Arirao, wala namang nangyaring masama sa mga sakay ng lampitaw.

-- ADVERTISEMENT --