Tuguegarao City- Kinumpirma ni Dr. James Guzman, City Health Officer ng Tuguegarao ang pagkakahawa ng apat na miyembro ng pamilya ng nasawing pasyente ng COVID-19 sa Brgy. Centro 9, Bagumbayan.

Maalalang unang kinumpirma ng pamunuan ng CVMC ang pagkasawi ng 58 anyos na lalaking taga Ugac Sur dahil sa komplikasyon ng COVID-19.

Matapos nito ay nagsagawa agad ng contact tracing ang mga otoridad upang matukoy ang mga nakasalamuha ng nasawi.

Sinabi ni Dr. Guzman na 15 malalapit na kaanak ng nasawi ang nacontact trace at mula sa pitong isinailalim sa swab test ay nagpositibo ang 4 sa virus.

Ito aniya ay kinabibilangan ng dalawang lalaki, isang babae at ang mismong asawa ng nasawi.

-- ADVERTISEMENT --

VC GUZMAN SEPT12a

Sa ngayon ay dinala ang mga nagpositibong indibidwal sa quarantine facility sa Brgy. Gosi dito sa lungsod

Bukod dito, kinumpirma pa ni Dr. Guzman ang ikalimang kaso ng tinamaan ng sakit kahapon Sept. 11 mula sa Linao West.

Sa huliung tala ng Tuguegarao City Health Office ay nasa 22 active cases ngayon ang binabantayan sa mga isolation facilities at sa tanggapan ng CVMC.

Umapela si Dr. Guzman sa mga residente ng lungsod na sumunod sa mga inilatag na panuntunan tulad ng pagsusuot ng face mask/shield, at pagpapanatili ng social distancing bilang pag-iwas sa banta ng nakamamatay na sakit.