Kasalukuyan paring nasa evacuation center ang apat na pamilya na inilikas dahil sa bahang naranasan sa ilang lugar sa Nueva Vizcaya.
Ayon kay Monte Carlo David ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ng Nueva Vizcaya, ang isang pamilya na naapektuhan ng pagbaha ay mula sa bayan ng Ambaguio habang ang tatlong pamilya naman ay mula sa bayan ng Dupax Del Norte.
Aniya ang mga ito ay napagkalooban na ng mga pangunahing tulong.
Samantala, nagkaroon naman ng landslide sa bahagi ng Nagsavaran Diadi ngunit nadadaanan parin ng mga sasakyan.
One lane passable naman sa bahagi ng Baretbet dahil na rin sa kasalukuyang road construction ganundin sa bahagi ng Sta.Fe kung saan nakararanas ng moderate to heavy traffic sa bahagi ng Dalpas.
Sa ngayon ay nakaantabay parin ang mga kapulisan upang imonitor ang posibleng paglandslide ng ilan pang mga lugar habang patuloy rin silang tumutulong sa pagkontrol ng trapiko.