Nagpapatuloy ngayon ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard upang mahanap ang nawawalang apat nilang rescuers.

Sa opisyal na pahayag ng Philippine Coast Guard sa kanilang facebook post, bandang alas kwatro nitong Hulyo 26 ng tumaob ang sinasakyang aluminum boat ng apat nilang mga tauhan habang sila ay patungong M/Tug Iroquis upang sagipin ang pitong tripulanteng sakay ng tugboat sa kasagsagan ng bagyo.

Habang tinatahak umano ng mga rescuers ang Cagayan River ay tumaob ang ang sinasakyan nilang bangka dahil sa malakas na hangin at malalaking alon.

Sa ngayon ay nakatakda na rin umanong magpadala ng Coast Guard Aviation Force helicopter sa naturang katubigan para makatulong sa paghahanap sa apat na PCG rescuers.