Asahan pa rin ang pagtaas ng Cagayan river dahil sa patuloy na pagpapakawala ng tubig ng Magat dam sa Isabela.

Batay sa abiso ng National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS), na may apat pang spillway gates ang nakabukas na may kabuuang 8 meters.

Kaninang 5:00 a.m. ay isinara ang isa gate matapos ang magdamag na pagbabantay sa dam.

Kaugnay nito, umaabot na sa 11.5 meters ang water level sa Buntun na lampas na sa critical level, at maging alerto at mag-ingat dahil sa posibleng tataas pa ito sa mga susunod na oras.

Dahil dito, impassable na ang Capatan overflow bridge at ilang kalsada sa lungsod ng Tuguegarao.

-- ADVERTISEMENT --

Umaabot na rin sa 24 na barangay sa Tuguegarao ang binabaha, kung saan nasa 930 pamilya o mahigit 3,000 indibidual ang inilikas.

Suspendido pa rin ang pasok ng mga mga mag-aaral mula kindergarten hanggang grade 12 at ALS sa pampublikong paaralan sa lungsod habang ipinapaubaya naman sa mga school heads ang pasok sa tertiary at private schools.

Bukod sa Tuguegarao City, nagsuspinde rin ng pasok ng mga magaaaral ang ilang bayan sa Cagayan dahil sa nararanasang pagbaha.

Pinairal na rin ang liqour ban sa lungsod upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa dahil sa mga pagbaha.