
Tataas na ang presyo ng lotto tickets simula sa Peberero 1, 2026.
Mula sa kasalukuyang ₱20, magiging ₱25 ang presyo ng mga lotto ticket dahil palalakihin ang minimum jackpot at mga consolation prize nito.
Ang tatama ng apat na numero, maaari nang manalo ng P1 million.
Sinabi rin ng PCSO, bagama’t kasama sa mga pagbabago ang maingat na pagtaas sa presyo ng ticket, layunin nito na magbigay sa mga manlalaro ng mas malaking tsansa na manalo.
Narito ang mga ang magiging jackpot prize:
Lotto 6/42 – previously P6 million now P10 Million
Mega Lotto 6/45 – previously P9M now P15M
Super Lotto 6/49 – previously P16M now P25M
Grand Lotto 6/55 – previously P30M now P45M
Ultralotto 6/58 – previously P50M now P75M
Consolation prizes
Lotto 6/42 – up to P1.1M (five numbers) P1M (four numbers)
Mega Lotto 6/45 – P1.2M (5) P1.1M (
Super Lotto 6/49 – P1.3M (5) P1.2M (4)
Grand Lotto 6/55 – P1.4M (5) P1.3M (4)
Ultra Lotto 6/58 – P1.5M (5), P1.4M (4)
Ayon sa PCSO, mananatili ang progressive jackpot system.
Kapag walang nanalo ng jackpot, patuloy na lalaki ang premyo hanggang sa may tumama sa lahat ng anim na numero.
Sinabi ni PCSO General Manager Mel Robles, ipinapakita sa naturang pagbabago ang pagsisikap ng PCSO na gawing mas kapana-panabik at mas kapaki-pakinabang ang bawat draw para sa mga manlalaro.





