
Magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng lotto tickets simula Pebrero 1, 2026, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Mula sa kasalukuyang ₱20, magiging ₱25 na ang presyo ng bawat ticket.
Ayon sa PCSO, kasabay ng pagtaas ng presyo ang pagpapalawak ng minimum jackpot at mga consolation prize upang mabigyan ang mga manlalaro ng mas malaking tsansa na manalo.
Isa sa mga pangunahing pagbabago ay ang panalo para sa apat na tamang numero, na maaari nang umabot sa ₱1 milyon, depende sa laro.
Bagong minimum jackpot prizes:
Lotto 6/42 – mula ₱6 milyon, magiging ₱10 milyon
Mega Lotto 6/45– mula ₱9 milyon, magiging ₱15 milyon
Super Lotto 6/49– mula ₱16 milyon, magiging ₱25 milyon
Grand Lotto 6/55 – mula ₱30 milyon, magiging ₱45 milyon
Ultra Lotto 6/58 – mula ₱50 milyon, magiging ₱75 milyon
Consolation prizes:
Lotto 6/42– hanggang ₱1.1 milyon (5 numero), ₱1 milyon (4 numero)
Mega Lotto 6/45– ₱1.2 milyon (5 numero), ₱1.1 milyon (4 numero)
Super Lotto 6/49** – ₱1.3 milyon (5 numero), ₱1.2 milyon (4 numero)
Grand Lotto 6/55– ₱1.4 milyon (5 numero), ₱1.3 milyon (4 numero)
Ultra Lotto 6/58– ₱1.5 milyon (5 numero), ₱1.4 milyon (4 numero)
Sinabi ng PCSO na ang mga pagbabagong ito ay bahagi ng kanilang layunin na mas mapataas ang papremyo at benepisyo para sa mga manlalaro.










