Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na patuloy na nakikipagtulungan ang apat na state witness sa flood control anomaly.

Ayon kay Justice Secretary Eric Vida, buo ang kooperasyon nina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo, dating District Engineers na sina Henry Alcantara at Gerard Opulencia at contractor na si Sally Santos.

Wala naman daw problema sa kalusugan ng mga witness pero sinabi ng kalihim na nakakaranas ang mga ito ng anxiety dahil sa bigat ng kaso at sa pagharap sa korte.

Samantala, kinumpirma ng abogado ni Sarah Discaya na naghain sila ng bail petition sa Lapu Lapu City Regional Trial Court para hilingin na makapagpiyansa ang kliyente na si Roma Rimando ng St. Timothy Construction Corp.

Ito ay kahit na non-bailable ang kasong malversation na kinahaharap nila dahil sa P96.5 million na ghost flood control project sa Davao Occidental.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod sa naturang kaso, sinampahan na ng Justice Department si Discaya ng apat na tax evasion case sa Court of Tax Appeals.