Apat na ang kumpirmadong namatay sa Vang Vieng, Laos kasunod ng alcohol poisoning na tinawag ng punong ministro ng Australia na bangungot ng mga magulang ng mga biktima.
Sinabi ni Australian Prime Minister Anthony Albanese sa Parliament na namatay si Bianca Jones, 19 years old matapos na ilikas siya mula sa Laos para sa pagpapagamot sa Thai hospital.
Maging ang kanyang kaibigan na 19 years old ay nananatili pa rin sa ospital sa Thailand.
Binigyang-diin ni Albanese na ito ang pinakamatinding takot at bangungot ng mga magulang na hindi dapat na nangyari.
Kinumpirma rin ng US State Department na isang American tourist ang namatay subalit wala silang ibang ibinigay na detalye bilang respeto sa pamilya ng biktima.
Ayon dito,nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga lokal na awtoridad at nagbibigay ang U.S. ng consular assistance.
Nagsimulang lumabas ang detalye tungkol sa alcohol poisoning isang linggo matapos na magkasakit ang dalawang Australian noong November 13 kasunod ng inuman sa gabi sa isang grupo sa isang liblib na lugar Vang Vieng.
Pinaniniwalaan na sila ay nakainum ng alak na may halong methanol, na minsan ay ginagamit bilang alcohol sa mixed drinks sa mga bars na may hindi magandang reputasyon.
Ang methanol ay nagreresulta sa pagkalason o pagkamatay.
Unang sinabi ng Foreign Ministry ng Denmark na dalawa sa kanilang mamamayan ang namatay sa Laos subalit tumangging magbigay ng karagdagang detalye.