Nasa pagamutan ang apat na university tutors sa Estados Unidos matapos na sila ay pinagsasaksak ng hindi pa nakikilalang salarin sa isang piblic park sa China.

Sugatan ang apat na Iowa Cornell College instructors habang sila ay bumibisita sa parke sa Jilin province, northern China.

Sinabi ni Iowa Representative Adam Zabner na ang kanyang kapatid na si David ang sa mga nasugatan sa insidente.

Ayon sa kanya, na bumibisita ang mga biktima sa isang local temple nang sila ay atakehin ng isang lalaki na may hawak na patalim.

Sinabi ni Zabner na nasugatan sa kanyang kamay sa Beishan Park.

-- ADVERTISEMENT --

SInabi naman ng Cornell College, ang apat na instructors ay nagtuturo bilang bahagi ng partnership sa university sa China.

Mabilis na kumalat sa social media ang nasabing insidente subalit agad din na tinggal ito sa internet sa China.