Apat pang mga aktibong pulis ang isinasailalim sa imbestigasyon ng National Police Commission (Napolcom) sa kanilang umano’y pagkakasangkot sa pagdukot at pagpatay sa sabungeros.

Sinabi ito ni Napolcom Vice Chairperson and Executive Officer Rafael Calinisan sa isang pulong balitaan sa ahensiya sa Quezon City.

Ayon kay Calinisan, na nasa apat na mga pangalan ang hawak ngayon ng ahensiya at iniimbestigahan ang kanilang posibleng pagkakasangkot sa nasabing kaso.

Sinabi niya na ang mga pangalan ng mga nasabing pulis ay mula sa mga posibleng testigo, at umaasa siya na lalantad ang mga ito.

Tumangging pangalanan ni Calinisan ang mga nasabing pulis.

-- ADVERTISEMENT --

Tanging sinabi niya ay may iniimbestigahan na ang ranggo ay general.

Bukod dito, sinabi ni Calinisan ang nagsabi ng mga pangalan ay isa ring pulis.

Matatandan na 12 active police officers na ang sinampahan ng kasong administratibo may kaugnayan sa pagdukot at pagpatay sa nasa 34 apat na sabungero sa pagitan ng Abril noong 2021 at Enero ng 2022.